Paglayag ng ID 124 tungo sa buhay kolehiyo, tampok sa LPEP 2K24
MAINIT NA SINALUBONG ng Lasallian Ambassadors (LAmbs) at Council of Student Organizations (CSO) ang mga ID 124 sa Lasallian Personal Effectiveness Program (LPEP) 2K24 na may temang “Animo Voyage: Sailing Towards Success” sa De La Salle University – Manila, Agosto 19 hanggang 24. Binuo ang programa ng misa, plenary session, kumustahan session, at campus tour […]
WAGING PAG-2-DLA: Green Archers, sinalasa ang Soaring Falcons
PINULBOS ng De La Salle University (DLSU) Green Archers ang langkay ng Adamson University (AdU) Soaring Falcons, 82–52, upang sungkitin ang kanilang ikalawang panalo sa University Athletic Association of the Philippines Season 87 Men’s Basketball Tournament sa Smart Araneta Coliseum, Setyembre 11. Pinangunahan ni Player of the Game Kevin Quiambao ang Berde at Puting pangkat […]
Tubig at langis: Oil spill mula Bataan, nananatiling suliranin ng mga baybaying bayan sa Cavite
LUMUBOG ang MT Terra Nova nitong Hulyo 25, sa silangang baybayin ng Lamao Point, Limay, Bataan, na nagdulot ng malalang oil spill. Bitbit ang halos 1.5 milyong litro ng pang-industriyang langis, naapektuhan din ang ilang karatig lugar ng Bataan kagaya ng Bulacan, Cavite, at Maynila. Kasalukuyan pa ring nasa state of calamity ang ilang bahagi ng […]
Grandioso: Pagbabalik-tanaw sa simponiya ng mga alaala ng LYO
*Lights* Bumalot ang aninag ng mga ilaw sa bawat sulok ng teatro. *Kamera* Nananabik ang madla sa entrada ng mga tauhang mistulang mga larawan. *Aksyon!* Sa unang kompas ng patpat, nabigyang-buhay ng galaw ng mga instrumento ang entabladong madilim at tahimik. *Klik* Inihandog ng Lasallian Youth Orchestra, sa ika-15 nitong taon, ang “Grandioso: Symphonic Portraits” […]