Pagbabago sa modality ng klase at akademikong kalendaryo ng DLSU, binatikos ng mga Lasalyano; pinal na desisyon, binalangkas ng Provost
IMINUNGKAHI ng Office of the Provost ang iba’t ibang hakbang para sa pagbabago ng modality ng pagtuturo at akademikong kalendaryo ng De La Salle University (DLSU) sa town hall meeting sa The Verdure nitong Pebrero 9. Binigyang-diin ni Provost Robert Roleda na nagmula ang panukalang ito sa pagkabahala ng mga magulang at alumni sa pagpapatuloy […]
Tungo sa ingklusibong mundo: For the Kids 2026 ng COSCA-LOVE, ipinagdiwang sa DLSU
PININTAHAN ng ngiti ang mukha ng mga batang may espesyal na pangangailangan sa For the Kids (FTK) 2026 Haraya: A Festival of Dreams na pinangunahan ng Center for Social Concern and Action – Lasallian Outreach Volunteer Effort sa De La Salle University (DLSU) nitong Pebrero 1. Dinaluhan ng 20 Special Education (SpEd) Centers, 352 batang […]
Hiyaw ng mga Lasalyano, umalingawngaw sa isinagawang Unity Walk laban sa inaasahang pagtaas ng matrikula ng DLSU
“Edukasyon! Edukasyon! Karapatan ng mamamayan!” UMUGONG ang mga hiyaw ng pagtutol ng pamayanang Lasalyano laban sa inaasahang pagtaas ng matrikula ng De La Salle University (DLSU) sa isinagawang unity walk sa pangunguna ng University Student Government (USG) at Lasallians Against Corruption (LAC) katuwang ang iba pang organisasyon sa loob at labas ng Pamantasan mula Central […]
Gabay ng Lasalyano, naghatid ng saya at mga regalo sa kabataan ng Leveriza
IPINADAMA ng De La Salle Alumni Association (DLSAA) katuwang ang BDO Unibank, Universal Robina Corporation (URC), at McDonald’s ang pagpapahalagang Lasalyano sa munting outreach program na Gabay ng Lasalyano sa kabataan ng Leveriza sa Malate, Manila nitong Enero 31. Lasalyano para sa kabataan Tinatayang mahigit 140 bata mula sa Barangay 707 hanggang 721 ang dumalo […]
Pagbabago sa mga posisyon ng Legislative Assembly, isinapormal sa ikalimang espesyal na sesyon ng lupon
MANUNUNGKULAN bilang bagong chief legislator ng Legislative Assembly (LA) si EXCEL2026 Aleia Silvestre sa ikalimang espesyal na sesyon ng LA nitong Enero 28. Pangungunahan naman nina FOCUS2024 Neil Maniquis ang majority floor habang si BLAZE2027 Naomi Conti naman ang mamamahala sa minority floor. Patungo sa bagong liderato Pinasinayaan ni University Student Government (USG) President Lara […]













