Pagbabago sa sistema ng General Elections 2021, binigyang-linaw ng DLSU COMELEC

Pagbabago sa sistema ng General Elections 2021, binigyang-linaw ng DLSU COMELEC

PANGUNGUNAHAN MULI ng De La Salle University Commission on Elections (DLSU COMELEC) ang Automated General Elections (GE) 2021 ngayong akademikong taon upang makapaghalal ng mga bagong pinuno ng University Student Government (USG). Ito ang ikalawang beses na magsasagawa ng online elections ang COMELEC matapos maitaguyod ang Automated Make-up Elections (ME) noong Enero. Paghahanda sa GE […]
Pagbabalik-tanaw sa maikling panunungkulan ng mga opisyal ng USG

Pagbabalik-tanaw sa maikling panunungkulan ng mga opisyal ng USG

INUSISA ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang mga naisakatuparang inisiyatiba at proyekto ng ilang opisyal ng University Student Government (USG), kaugnay ng nalalapit na pagtatapos ng kanilang panunungkulan. Mula tatlo, naging dalawang termino lamang ang panahon ng kanilang paninilbihan bilang mga opisyal dahil sa pagkaantala ng eleksyon noong nakaraang taon dulot ng pandemya. Sa naging […]
Magkasalungat na konseptong non-partisanship at apolitical: Politikal na kultura ng pamayanang Lasalyano, binigyang-tuon

Magkasalungat na konseptong non-partisanship at apolitical: Politikal na kultura ng pamayanang Lasalyano, binigyang-tuon

NANGINGIBABAW tuwing may eleksyong pangmag-aaral sa Pamantasang De La Salle (DLSU) ang dalawang politikal na partido nito: ang Alyansang Tapat sa Lasallista at Santugon sa Tawag ng Panahon, na nakatuon sa magkaibang adhikain at mga plataporma. Naging bahagi na ng kulturang pampolitika ng Pamantasan ang pagpanig sa isa sa mga ito tuwing halalan. Sa naging […]
Pinuno o politiko?: Pagkakatulad ng DLSU USG sa pambansang politika, sinuri

Pinuno o politiko?: Pagkakatulad ng DLSU USG sa pambansang politika, sinuri

ISANG MIKROKOSMO ng Philippine politics—ganito mailalarawan ang umiiral na politika sa loob ng University Student Government (USG) ng Pamantasang De La Salle (DLSU). Maiuugnay rin ang paghahalintulad na ito sa papalapit na General Elections 2021 at Pambansang Halalan 2022. Kaugnay nito, nakapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel sina Anthony Borja at Georgeline Jaca, mga propesor mula […]
Pagsalubong sa panibagong kabanata: Ikalawang yugto ng Virtual Job Expo, matagumpay na inilunsad ng DLSU-OCCS

Pagsalubong sa panibagong kabanata: Ikalawang yugto ng Virtual Job Expo, matagumpay na inilunsad ng DLSU-OCCS

INIHANDOG ng Office of Counseling and Career Services (OCCS) ang ikalawang edisyon ng Virtual Job Expo ngayong taon na pinamagatang YUGTO II: Reach for New Horizons, Agosto 9 hanggang 13. Tulad ng unang bahagi ng proyekto, inilunsad ng OCCS ang job expo bitbit ang hangaring mabigyang-diin ang kahalagahan ng career planning.  Isinagawa ang job expo […]