ANO ANG BAYLAYN?

Inihahandog ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang Para sa Bayan at Lasalyano (BayLayn), isang inter-high school journalism competition na sinasalihan ng mga paaralan at mag-aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Binubuo ng mga kompetisyon at seminar ang BayLayn na makatutulong sa mga mamamahayag pangkampus na paigtingin at palawakin pa ang kanilang kaalaman ukol sa pamamahayag pangkampus. Maaaring sumali lamang ang mga kalahok sa seminar o maaari ding magpadala ng diyaryo o artikulo sa APP na nasa wikang Filipino upang makasali sa mga kompetisyon.

Para sa taong ito, gaganapin ang BayLayn 2022 sa Hunyo 18 at sasaklawin ng kompetisyon ang mga kategoryang:

  • Pinakamahusay na Artikulong Pambalita
  • Pinakamahusay na Artikulong Pampalakasan
  • Pinakamahusay na Artikulong Panlathalain
  • Pinakamahusay na Editoryal
  • Pinakamahusay na Koleksyon ng Larawan
  • Pinakamahusay na Koleksyon ng Dibuho
  • Pinakamahusay na Paglalapat ng Pahayagan
  • Pinakamahusay na Publikasyong Pangmag-aaral

Bukas ang BayLayn para sa lahat ng publikasyong pangkampus sa sekondaryang edukasyon hanggang Mayo 31. Maaaring magparehistro ang limang (5) estudyanteng mamamahayag at isang (1) tagapayo mula sa bawat publikasyon. Gayunpaman, magsasara ang rehistrasyon bago ang itinakdang araw sa oras na umabot na sa 500 ang bilang ng nagparehistro.

Nais mo ba at ng iyong publikasyon ang lumahok sa #BayLayn2022? Pindutin lamang ang #BayLayn2022 button sa ibaba at manatiling nakasubaybay sa BayLayn Facebook page at @baylayn_app sa Twitter para sa mga susunod na anunsyo.

Para sa katanungan, magpadala ng mensahe sa BayLayn Facebook o Twitter page o sa [email protected].

PAHAYAG NG ANG PAHAYAGANG PLARIDEL UKOL SA PANANAKOT SA MGA PUBLIKASYONG PANGMAG-AARAL

PAHAYAG NG ANG PAHAYAGANG PLARIDEL UKOL SA PANANAKOT SA MGA PUBLIKASYONG PANGMAG-AARAL

Ang Pahayagang PlaridelMar 2, 20212 min read

TUMITINDIG ang ANG PAHAYAGANG PLARIDEL (APP) upang ipakita ang suporta nito sa Tinig ng Plaridel (TNP), opisyal na publikasyon ng University of the Philippines (UP) College of Mass Communication; Scientia, opisyal na publikasyon ng UP College of Science; Sinag, opisyal…

Serbisyo para kanino?

Serbisyo para kanino?

Ang Pahayagang PlaridelFeb 15, 20212 min read

Bago magtapos ang taong 2020, nabulabog ang bansa sa pamamaril ng isang pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio. Sino nga ba ang mag-aakalang malalagutan ng hininga ang dalawang inosenteng Pilipino, sa harap ng isang bata,…

Huling laban sa round one: DLSU Lady Spikers, ginasgasan ang sungay ng FEU Lady Tamaraws!

Huling laban sa round one: DLSU Lady Spikers, ginasgasan ang sungay ng FEU Lady Tamaraws!

Larawan mula UAPP Season 84 Media Team TINANGGALAN ng sungay ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws, 25-7, 25-12, 22-25, 25-11, para sa huling laro sa unang round ng University Athletic Association…

Muling pamamayagpag: DLSU Lady Spikers, pinataob ang puwersa ng UP Fighting Maroons!

Muling pamamayagpag: DLSU Lady Spikers, pinataob ang puwersa ng UP Fighting Maroons!

Kuha ni John Mauricio ITINUDLA ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa loob ng tatlong set, 25-12, 25-17, 25-19, sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 Women’s…

Pag-alab ng mga alas: DLSU Lady Spikers, nilampaso ang UE Lady Warriors!

Pag-alab ng mga alas: DLSU Lady Spikers, nilampaso ang UE Lady Warriors!

Kuha ni Elisa Lim PINAYUKO ng De La Salle University (DLSU) Lady Archers ang sandatahan ng University of the East (UE) Lady Warriors matapos mamayagpag sa loob ng tatlong set, 25-15, 25-14, 25-15, sa University Athletic Association of the Philippines…

Dikit na bakbakan: DLSU Lady Spikers, nabiting asintahin ang bagsik ng UST Golden Tigresses!

Dikit na bakbakan: DLSU Lady Spikers, nabiting asintahin ang bagsik ng UST Golden Tigresses!

Kuha ni John Mauricio IPINAGKAIT sa De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang kanilang ikatlong panalo matapos patumbahin ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses sa loob ng limang set, 24-26, 25-22, 27-25, 23-25, 12-15, sa University Athletic…

DLSU Lady Spikers, nilapa ng mabangis na opensa ng NU Lady Bulldogs

DLSU Lady Spikers, nilapa ng mabangis na opensa ng NU Lady Bulldogs

Kuha ni Justin Rainier Gimeno NADUNGISAN ang malinis na kartada ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers matapos pabagsakin ng National University (NU) Lady Bulldogs sa loob ng tatlong set, 22-25, 15-25, 19-25, sa University Athletic Association of the…