

ANO ANG BAYLAYN?
Inihahandog ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang Para sa Bayan at Lasalyano (BayLayn), isang inter-high school journalism competition na sinasalihan ng mga paaralan at mag-aaral mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Binubuo ng mga kompetisyon at seminar ang BayLayn na makatutulong sa mga mamamahayag pangkampus na paigtingin at palawakin pa ang kanilang kaalaman ukol sa pamamahayag pangkampus. Maaaring sumali lamang ang mga kalahok sa seminar o maaari ding magpadala ng diyaryo o artikulo sa APP na nasa wikang Filipino upang makasali sa mga kompetisyon.
Para sa taong ito, gaganapin ang BayLayn 2022 sa Hunyo 18 at sasaklawin ng kompetisyon ang mga kategoryang:
- Pinakamahusay na Artikulong Pambalita
- Pinakamahusay na Artikulong Pampalakasan
- Pinakamahusay na Artikulong Panlathalain
- Pinakamahusay na Editoryal
- Pinakamahusay na Koleksyon ng Larawan
- Pinakamahusay na Koleksyon ng Dibuho
- Pinakamahusay na Paglalapat ng Pahayagan
- Pinakamahusay na Publikasyong Pangmag-aaral
Bukas ang BayLayn para sa lahat ng publikasyong pangkampus sa sekondaryang edukasyon hanggang Mayo 31. Maaaring magparehistro ang limang (5) estudyanteng mamamahayag at isang (1) tagapayo mula sa bawat publikasyon. Gayunpaman, magsasara ang rehistrasyon bago ang itinakdang araw sa oras na umabot na sa 500 ang bilang ng nagparehistro.
Nais mo ba at ng iyong publikasyon ang lumahok sa #BayLayn2022? Pindutin lamang ang #BayLayn2022 button sa ibaba at manatiling nakasubaybay sa BayLayn Facebook page at @baylayn_app sa Twitter para sa mga susunod na anunsyo.
Para sa katanungan, magpadala ng mensahe sa BayLayn Facebook o Twitter page o sa [email protected].