[SPOOF] 3. . . 2. . . 1. . . Lunukin mo lahat ng ‘yan!

[SPOOF] 3. . . 2. . . 1. . . Lunukin mo lahat ng ‘yan!

“TUBIG!!! TUBIG!!! NABILAUKAN SI INENG!!!”  “Oh? Anong nangyari diyan?”  “Isinubo kasi ‘yung labindalawang ubas nang sabay-sabay. Kaya ayan.”  Napasilip ang mga kapitbahay sa pinanggagalingan ng ingay nang magulantang sila sa eksenang nangyayari sa kanilang harapan. Tarantang pinapalo ni Mother Rainbow ang likod ni Ineng na kulang na lang iluwa pati lamang-loob niya habang pareho silang […]
Forte 2025: Saliw ng mga namumulaklak na awitin ng tagsibol

Forte 2025: Saliw ng mga namumulaklak na awitin ng tagsibol

Tila panahon ng taglamig, sumalubong sa pagpasok ng awditoryum ang mapanglaw na paligid at malamig na hangin. Kapara naman ng sumisilip na sinag ng araw ang mga ilaw ng entabladong nagbibigay liwanag sa malumbay na ere. Bakas sa mga manonood ang pananabik sa pagbibigay-buhay ng mga musikero sa mga awiting kawangis ng tagsibol—panahong sumisimbolo sa […]
We Are Innersoul: Pag-angkin ng DLS Innersoul sa mundo bilang entablado

We Are Innersoul: Pag-angkin ng DLS Innersoul sa mundo bilang entablado

Lance Yurik CadoyApr 16, 2025
Gaya ng bughaw na bumabalot sa kalangitan, pinalilibutan ng pulang pelus ang awditoryum at entablado. Kapara naman ng matingkad na sinag ng araw, sinusuklob ng kumikinang na mga ilaw ang buong espasyo ng teatro. Mistulang mga ibong humuhuni sa mga awitin ng mundo, nagtipon-tipon ang nagbibigating mga talento upang ipamalas ang harmoniyang hindi mapapantayan. Sa […]
Gunita 2025: Gantimpalang korona sa mga bagong artista ng bayan

Gunita 2025: Gantimpalang korona sa mga bagong artista ng bayan

El PanganibanMar 7, 2025
Humahakbang palabas ng kuwadro, iniilawan niya ang bawat yapak sa entablado. Sa bawat linya at galaw, sinusundan siya ng sinag—naghahatid ng lakas sa mga pusong nangangailangan at mga tinig na pinipigilan. Umaagos ang kaniyang bughaw na pananamit na tila along patuloy na sumasalungat sa marahas na daluyong ng diskriminasyon. Kilalanin si Nita sa kaniyang pagpasok […]
And So It Begins: Pagkamulat ng diwang handang manindigan

And So It Begins: Pagkamulat ng diwang handang manindigan

Shermy Calin YapFeb 27, 2025
“Katotohanan o kasinungalingan? Para sa lipunan o sa sarili?” Ito ang matatalim na katanungan ni Xymoun Rivera, vice president for external affairs ng University Student Government, sa kaniyang pambungad na pananalita. Isiniwalat niya ang pagkadismaya sa lumalalang kamandag ng katiwalian at pang-aabuso sa kapangyarihan. Subalit, iginiit niyang hindi natatapos ang laban sa apat na sulok […]