Hulagway ng katotohanan, hinubog ng matang walang kinikilingan
Siksik ang bawat retrato ng libo-libong mensahe. Paano nga ba nakararating sa madla ang mga istoryang kasing lakas ng salita, ngunit nabibigyang-linaw lamang sa pagpukaw ng mga mata? Katulad ng isang likhang-sining, may sinusunod na proseso ang bawat larawan. Tila akto ng paghulma ng isang obra ang trabaho ng mga photojournalist. Anoman ang balakid, buong […]
Danas ng panaderong pinanday sa init ng hurno
Pumipikit-pikit ang mga mata at ramdam ang antok sa sistema. Magbubukang-liwayway pa lamang at sa kabila ng panawagang manatili sa higaan, pilit na bumangon upang tumungo sa isang lokal na panaderya sa lungsod ng Caloocan. Humigit isang oras na biyahe mula Taft Avenue—hindi pangkaraniwang gawi, ngunit inilalaban kapalit ang bagong kasanayan. Wala pa ring laman […]
Wikang napiit sa nakaraan: Kawalang kaligtasan ng Chabacáno sa modernong panahon
Mistulang mga salitang nakaayon sa isang mapangahas na puwersa ang siya pang nagpakawala mula sa mga kadenang nanggapos sa mga pinagkaitan ng kalayaan sa sarili nilang bayan. Anong sarap na maangkin ang isang bagay na pagmamay-ari ng mga taong kinuha ang lahat mula sa inyo? Sa ilalim ng ilang siglong paniniil, isinilang sa mga lugar […]
Araw-araw na panghimagas: Tamis ng pagtitindang ginagabayan ng pananampalataya at pamilya
Sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa pait ng buhay, kinakailangan ng tamang sukat ng mga sangkap upang patamisin ang ilang sandali. Panghimagas ang karaniwang hinahanap ng panlasa; siyang paalalang maaari pa ring asahan ang tamis sa dulo ng samot-saring danas. Bunsod ng mga hamon, kani-kaniyang kayod ang mga tao upang matustusan ang araw-araw na pamumuhay ng […]
Balota: Kilabot at katatawanan ng politika
Mataas na sahod, mababang bilihin—mga malimit na bukambibig ng mga kandidato tuwing panahon ng halalan. Sa paulit-ulit na pangako ng pagbabago mula sa mga politiko, patuloy na umaasa ang taumbayan para sa pag-unlad at magandang kinabukasan. Subalit, sa kabila ng makukulay na slogan at magagarang plataporma, madalas ding nananatili bilang pawang salita ang mga ito. […]