Arangkada o harurot tungo sa kaunlaran?

Arangkada o harurot tungo sa kaunlaran?

Sa bilis ng daloy ng panahon, nagbabadya na naman ang dulo para sa mga tsuper na hindi sasapi sa kooperatiba o korporasyon hanggang Abril 30, na unang hakbang kaugnay ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP). Kung susunod sila sa rekisitong ito, sunod na punto ang pag-upgrade ng kanilang makina o pagbili ng bagong sasakyan […]
Hanggang kailan maghihirap?

Hanggang kailan maghihirap?

Kasiyahan at pagmamahalan ang unang nararamdaman ng bawat Pilipino tuwing may selebrasyon. Kapaskuhan, kaarawan, o anibersaryo man iyan, pinahahalagahan ng mga Pilipino ang bawat pagdiriwang. Ngunit sa likod ng makukulay na dekorasyon at masisiglang kantahan, nababalot ang masa sa alingawngaw ng mga suliraning bumibigat sa kanilang mga balikat. Hindi maitatanggi, nakaambang ang bawat selebrasyon sa […]
Dekalidad o ‘di kalidad?

Dekalidad o ‘di kalidad?

Leon MatawaranMar 30, 2024
Dumausdos, bumulusok, lumagapak. Iilan lamang sa mga salitang akmang maglalarawan sa kasalukuyang katayuan ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa Times Higher Education World University Rankings matapos mapabilang sa 1501+ na bracket mula sa 1201-1500 noong taong 2023. Gayundin, mapakukunot-noo ang sinomang makaririnig na bumaba rin ang ranggo ng Pamantasan sa 2024 Quacquarelli Symonds Sustainability […]
Malaya, ngunit nananatiling nakagapos

Malaya, ngunit nananatiling nakagapos

Gigising sa ganap na ika-5 ng umaga, haharapin ang kalbaryo ng transportasyon, papasok sa trabahong nagpapasahod ng kakarampot na minimum wage, at muling makipagsasapalaran sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin. Tila ano mang pagsusumikap, patuloy pa ring naghihikahos. Masalimuot mang sabihin, ngunit para sa ordinaryong Pilipino, hindi nadadaan sa sipag at tiyaga […]
Ngayon pa lamang, bigo na ako

Ngayon pa lamang, bigo na ako

Edison GuevarraJul 8, 2023
“Mangarap ka naman nang mataas!”—karaniwang sambit ng mga taong nakapaligid sa atin mula sa ating pagkabata hanggang sa ating pagtanda. Mapa-superhero man o drayber ng bus, malawak ang ating imahinasyon patungkol sa kung ano ang nais nating tahaking landas. Bitbit sa bawat araw na hinuhulma ng ating mga karanasan ang kagustuhang mapabuti ang sarili. Subalit, […]