Green Batters, sinibat ang unang panalo kontra UP sa pagbubukas ng UAAP Baseball Tournament
NANAIG ang puwersa ng De La Salle University (DLSU) Green Batters kontra University of the Philippines (UP) Baseball Team, 6–5, sa pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines Season 88 Baseball Tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium kahapon, Pebrero 25. Agad na nalula ang La Salle sa pagratsada ng magkakasunod na run batted in […]
Lady Spikers, pinulbos ang Fighting Maroons; patuloy ang pagdomina sa UAAP
NANATILING WALANG BAHID ng pagkatalo ang kartada ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers matapos pabagsakin ang kuta ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons, 25–12, 25–15, 25–19, sa kanilang unang sagupaan sa University Athletics Association of the Philippines Season 88 Women’s Volleyball Tournament sa Smart Araneta Coliseum kahapon, Pebrero 25. Kinilala bilang […]
Green Tennisters, niyanig ang Ateneo Men’s Tennis Team
GINIBA ng De La Salle University (DLSU) Green Tennisters ang pugad ng Ateneo Men’s Lawn Tennis Team, 4–1, sa pagtatapos ng unang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 88 Men’s Tennis Tournament sa Colegio San Agustin Tennis Stadium – Bulacan Tennis Court, Pebrero 25. Inangkin ni JT Bernardo ang buwena manong tagumpay […]
Lady Batters, bigong maitala ang unang panalo kontra UST Softbelles
NASINDAK ang De La Salle University (DLSU) Lady Batters sa bagsik ng University of Santo Tomas (UST) Tiger Softbelles, 1–2, sa pagbubukas ng University Athletic Association of the Philippines Season 88 Softball Tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium, Pebrero 24. Maagang nagpamalas ng mahigpit na depensa ang Taft mainstays kontra sa España-based squad upang maitabla […]
Lady Spikers, ibinilanggo ang Golden Tigresses; tuloy ang pag-ukit ng marka sa baraha
IKINANDADO ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers ang ikalawang panalo matapos tambangan ang University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses, 25–14, 25–15, 26–24, sa kanilang unang duwelo sa University Athletic Association of the Philippines Season 88 Women’s Volleyball Tournament sa SM Mall of Asia Arena, Pebrero 22. Kinumpasan ni rookie setter Eshana Nunag […]













