Forte 2021: Isang panibagong paglalakbay

Sa dalawang taong nagdaan, hindi natin maikakailang tila lumipas at umikot na lamang ang ating buhay sa ating mga sari-sariling kwarto. Nagagampanan natin ang ating trabaho, responsibilidad, at interaksyon sa tulong ng teknolohiya, ngunit hindi natin nalimutan ang hangaring maglakbay at ikutin ang buong mundo. Maaaring hindi natin magagawa ito bunsod ng kasalukuyang kalagayan, ngunit sa tulong ng Lasallian Youth Orchestra na magpapamalas ng galing at talento sa kanilang pagtatanghal sa Forte 2021, ating makakamit ang inaasam na pagluwas.

Bitbit ng Forte 2021 ang temang “A Cloud Nine Musical Experience”. Layunin nitong  suportahan ang ating mga student artist sa kanilang hangaring maipamalas ang ganda ng buong mundo sa tulong ng mga tugtugin sa bawat panig nito. Malapit rin ang temang ito sa akmang benepisyaryo ng organisasyon, ang Blas Ople Policy Center and Training Institute. Isa itong oportunidad na pag-isahin ang dalawang mithiin: ang pagtatanghal at ang kagustuhang makatulong sa kabutihan ng ating OFWs na patuloy na nagtatrabaho sa ibang bansa. Mula sa kani-kanilang tahanan, binuo at pinaghandaan ng LYO ang kanilang mga piyesa na nagmula sa kulturang musikal ng iba’t ibang bansa, bilang patikim sa atin ng maliit na karanasan sa buhay at istorya ng ating mga kababayan na ngayon ay nasa lupang banyaga.

Kaya’t sumama na kayo sa Airline Sol ng LYO! Tuklasin natin ang panibagong bersyon ng pagtatanghal at buhayin ang ating sarili sa isang pambihirang paglalakbay sa loob lamang ng ating bahay. Para sa mga araw ng pagtatanghal, narito ang mga sumusunod na petsa:

September 10, 2021 – 6PM via AnimoSpace

September 11, 2021 – 2PM via Private Facebook Group

September 11, 2021 – 6PM via Youtube Livestream

Maaring bisitahin ang https://bit.ly/LYO-FORTE2021-TICKETS o https://tinyurl.com/FORTE2021-TICKETS upang mapanood ang Forte 2021. Nagkakahalagang Php150 ang isang tiket. Para naman sa mga estudyante, maaaring gamitin ang “Arts Pass” para sa isang libreng ticket.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang sumusunod na social media pages:

●      Facebook/YouTube: Lasallian Youth Orchestra

●      Instagram: @LYOrchestra

#Forte2021

#CloudNineMusicalExperience