
Opisyal na Pahayagang Pangkampus
ng Pamantasang De La Salle – Manila sa Wikang Filipino
Itinatag ang Ang Pahayagang Plaridel (APP) noong 1984 sa pangunguna ni Dr. Efren Abueg, six-time Palanca awardee at dating Philippine Studies Department Chair. Sa pagsisimula ng Pahayagan, isa sa pundasyon nito ang layuning mamulat ang pamayanang Lasalyano ukol sa paniniil ng administrasyong Marcos. Mula noon hanggang ngayon, nakaangkla ang APP sa layuning maghatid ng balita at magmulat, hindi lamang para sa mga Lasalyano kundi para sa masang Pilipino.
Sa ika-37 na taon nito, nananatili itong kritikal at kaisa sa pagpiglas para sa katotohanan.
Ang Dakilang Layunin ng APP
Ang Ang Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga usaping pangkampus at panlipunan. Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohanan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa unti-unting pagpapalaya sa kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pagiging mapagmalasakit na mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.
Lupong Patnugutan
Izel Priase Fernandez
Punong Patnugot
Hance Karl Aballa
Patnugot ng Balita
Carlos Miguel Libosada
Patnugot ng Buhay at Kultura
Ian Ronnie Najera
Patnugot ng Impormasyong Panteknolohiya
Justin Rainier Gimeno
Pangalawang Patnugot
Orville Andrei Tan
Patnugot ng Isports
John Michael Mauricio
Patnugot ng Retrato
Mark Lyndon Mengote
Tagapamahala ng Opisina at Sirkyulasyon
Angelah Emmanuelle Gloriani
Tagapamahalang Patnugot
Jhazmin Joi Manguera
Patnugot ng Bayan
Gerlie Ann Gonzales
Patnugot ng Sining