Inihahandog ng DLSU ENGLICOM ang Transcend: Engage Amidst the Digital Age!

Likha ni Seth Uy

Handa ka na ba para sa digital age? Inihahandog ng isa sa pinakamalaking organisasyon ng De La Salle University, ENGLICOM, ang: “Transcend: Engage Amidst The Digital Age.” Dadaluhan ng tatlong propesyonal na matagumpay sa kani-kanilang industriya, katulad ng Arts, Business at Science & Technology, ang pagdiriwang na ito. Layunin ng Transcend na maipakita ang kahalagahan ng corporate social responsibility at pagtataguyod ng pagkukusa, pagbabago, at pagiging produktibo.

Pangunahing layunin ng Transcend: Engage Amidst the Digital Age na magbigay-aral ukol sa pandemya at kung paano maiuugnay ang sining, negosyo, at agham at teknolohiya rito. Bukod dito, tatlong tagapagsalita mula sa mga nasabing larangan ang inimbitahan upang magbahagi ng kani-kanilang kuwento tungkol sa kung paano nila pinangangasiwaan ang mga gawain sa gitna ng pandemya. Panghuli, tinalakay rin nila ang mga nakamit na tagumpay sa kanilang iba’t ibang industriya at kung paano nila hinaharap ang pandemya.

PETSAORASAKTIBIDAD 
September 4, 202110:00 AM – 12:00 NNWebinar 3“Transcend: The Science of Moving Forward to Success”
September 4, 20212:00 PM – 4:30 PMBusiness Pitch Competition

Transcend: The Science of Moving Forward to Success –  Pangungunahan ni Dr. Kathleen B. Aviso,  isang Ph D. na nagtapos sa De La Salle University at kasalukuyang isang associate direktor for Research and Advance Studies, ang ikatlong araw ng webinar. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa De La Salle University bilang isang propesor sa ilalim ng departamentong Chemical Engineering. Ipapahayag niya sa webinar na ito ang kaniyang mga karanasan sa larangan ng pananaliksik, paano siya naging isang multi-awarded na mananaliksik sa kaniyang larangan, at kung paano niya pinagpapatuloy ang kaniyang mga pananaliksik ngayong pandemya.

Gaganapin naman ang Business Pitch Competition sa Setyembre 4, 2021, mula ika-2 hanggang ika-4:30 ng hapon, na huling aktibidad ng Transcend. Layunin nitong magbigay-pagkakataon sa mga kabataang negosyante na ipahayag ang kanilang panibagong ideya at mga bagong pakikipagsapalaran. Makakukuha naman  ng P8,000, P5,000 at P3,000 ang mga magtatagumpay na kalahok.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang Facebook Page ng Transcend: https://www.facebook.com/EnglicomTranscend.