[SPOOF] March entries: Mapanlinlang na ilusyon ang Diskurdon!

Likha ni dÜHk1L4nG [email protected]

Marso 5,  2022

So ayun na nga, may panibagong pakulo na naman ‘tong tech savvy kong frenny na si Jenny pampawala ng stress gan’on. These days kasi, talagang super pagod and stressed ako to the point na bihira na akong maki-socialize. Palagi na lang laptop ko ang katitigan at ka-holding hands ko, kaya naman I’m hoping talaga na may maka-human interaction sa Diskurdon na ‘to para naman masabi kong kaya ko pang mabuhay sa sibilisasyon. So ayun na nga, sinubukan ko agad ‘yung app. Bale puwede ko raw i-imagine na ‘yung “server” na mayroon ako, bilang isang gawa-gawang lugar na puwedeng magsama-sama ang mga kaibigan mo online, anywhere and anytime! Daming alam! Ma-try nga xD.

Marso 7, 2022

Ayun na nga, 69 na ‘yung nasalihan kong server mula kahapon para naman more chances of winning, o ‘di ba? Ayos din pala, may iba’t ibang purpose ‘tong mga server, tulad lang ng FaithBook groups. Tumambay ako today sa Longganisa Live Selling na server kasi parang ang daming nasa voice channels noon, eh parang nag-crave ako sa longganisa so sumali ako. Nagulat ako pagkasali ko OMG? In fairness sa kanila, marami talagang variety: May skinless, may mabalat, tapos iba’t iba rin ang size. Kaso nag-alangan ako kasi parang scam lang dahil may puting lumalabas. Panghimagas yata?  

Marso 11, 2022

GAGS BEH. May na-meet akong guy sa server ni Chisoo :O. Ateneo boi raw na hawig si Donny P. Nag-flex pa na pro-gamer daw. Luh? ‘Di ako impressed, TBH. Masyado na ‘kong mature para sa mga ganiyang type of guys. Pero I’m bored. Siguro puwede kong i-try kausapin. Who knows, baka naman matulungan niya pa ko sa Calculus xD.

Marso 12, 2022

Shuta, niyaya niya ‘kong mag-VC na kami lang. Siyempre, pakipot muna; kunwari ‘di interested. Pero jusko naman gurl, sino bang may kayang tumanggi kay Donny P. kalookalike? TBH, kabado ako at first, pero nung binuksan niya na ‘yung cam niya with his streamer lights on, napa-THANK YOU LORD ako. ANG GUWAPO! The entire time na kausap ko siya on VC, ka-chat ko si Leesuh. Panay update ako, siyempre. Chismosa ‘yun eh.

Marso 14, 2022

I take it back. He’s such a sweetheart! Idk ha, pero na-enjoy ko ‘yung game na nilalaro niya (mostly ‘cos tinuruan niya ako!). Varolant? Valorant? Basta ‘yung may V eme. Nakaka-intimidate siya at first, pero ang galing niya magturo kahit ang bano ko! Next time, sana turuan niya na lang ako magmahal, eh ‘di sana mas mabilis-bilis galawan namin CHOS! Jusko, Virtuso, ‘wag mo ‘kong sinusubukan, ha? Jokez onli hehe ‘di ko pa name-meet ‘yung guy, sino ba namang timang mafo-fall sa taong never pa nakikita IRL!

Marso 16, 2022

Kailan pa ba naging langit ang lupa? Ang sagot diyan ay TODAY. Nakakaloka talaga! So kanina, tambay muna kami ulit sa VC. Medyo tahimik sa server, kami lang ‘yung nandoon, kasama si Groobhie kaya siyempre nilabas ko lahat ng mga pinaka-obscure kong mga tugtugan para cool ;). ‘Lam niyo na, may pahiwatig din ako sa bawat kanta, hoping na baka marinig niya ang pintig ng aking hart. Feel na feel ko ang aking pagka-main character sa bawat kantang sinasalang niya. I think he’s the one na :((.

Marso 22, 2022

What is love? Love is a lie lie kaya I said bye bye D:. Ang sakit sakit ng puso ko, akala ko ayun na talaga. Nitong mga nakaraang araw, halos lumipad na ako lagpas sa stratosphere sa sobrang saya at kilig. Tapos, heto na naman tayo mag-isa na naman. 

Kanina ko lang nalaman anong height niya… 5’10 sis :’(. Basta below 6’0 matic autopass :((( 

Kung ganito lang kasakit magmahal, ‘wag na lang. Last na talaga ‘yun. #SelfLove

Abril 1, 2022

May bagong server pala si Rosé pang gaming. Try ko kaya mag-stream this time, baka sakaling makuha ko atensyon ni Noberto. Cute siya. Feel ko siya na talaga.