Mahirap magbingi-bingihan sa katotohanan.

Mahirap magsulat ngunit kinakailangan.

Muling inaanyayahan ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) ang mga Lasalyano na maglayag tungo sa katotohanan. Magtatagal ang recruitment mula Setyembre 9–14 sa SJ Walk Booth 3 at Setyembre 16–21, online. Huwag palampasin ang oportunidad na maging bahagi ng opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng Pamantasang De La Salle.

Pindutin lamang ang #APPlyNa button sa ibaba upang masimulan ang inyong paglalakbay sa APP.

Para sa iba pang katanungan, maaaring magpadala ng mensahe kay [email protected]

FAQs

Maaari ba akong mag-apply?

Kung isa kang undergraduate na estudyante ng Pamantasang De La Salle na naghahangad magserbisyo para sa pamayanang Lasalyano, bukas ang APP para sa iyo.

Pwede ba akong sumali kahit hindi ako mahusay mag-Filipino?

Walang pinipiling wika ang katotohanan. Mayroon ding mga seminar ukol sa balarila at ortograpiyang Filipino ang APP.

Pwede ba akong sumali kahit hindi ako mahusay mag-Filipino?

Hindi kinakailangang mayroon kang karanasan sa pamamahayag para sumali sa APP. Bukas ang Pahayagan para sa lahat ng Lasalyanong nais tuklasin ang katotohanan.

Pwede ba akong sumali kahit hindi ako mahusay mag-Filipino?

Sakaling matanggap ka sa APP, ilan sa mga magiging tungkulin mo ang:

  • Lumahok sa mga programa ng APP, gaya ng mga buwanang pagpupulong, teambuilding, at ng Para sa Bayan at Lasalyano (BayLayn) 2025.
  • Magsulat ng mga makabuluhang artikulo na makapaglilinang sa kaisipan ng pamayanang Lasalyano (para sa mga manunulat).
  • Makapagpahayag gamit ang mga retrato, dibuho, at iba pang awtput na makatutulong sa paglalarawan ng realidad sa Pamantasan at bayan (para sa mga teknikal na staffer).
Maaari ba akong sumali kahit miyembro ako ng USG?

Naninindigan ang APP sa pagiging isang independiyenteng Pahayagan na walang pinapanigan. Bunsod nito, hindi pinahihintulutan ng APP na maging bahagi ang mga miyembro nito ng anomang politikal na partido sa Pamantasan o maging parte ng executive committee ng anomang yunit ng University Student Government (USG). Gayunpaman, pinahihintulutang sumali sa APP ang mga may posisyon sa USG na hindi hihigit sa chairperson o katumbas nito.