DLSU USG, tahasang nanindigan kontra sa pagtaas ng matrikula
“Tama na, itigil na!” MARIING INALMAHAN ng De La Salle University – University Student Government (DLSU USG) ang pagtaas ng matrikula sa Pamantasang De La Salle sa kanilang isinagawang kumperensiya sa Henry Sy Sr. Hall Grounds, Enero 11. Ibinida rin ng USG ang Multi-Sectoral Consultative Committee on Tuition Fees (MSCCTF) na naglalayong pangasiwaan ang mga […]
EXCEL2025 Bhianca Cruz, iniluklok bilang chief legislator sa unang regular na sesyon ng LA
PINANGALANAN sa unang regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA) sina Bhianca Cruz, EXCEL2025, bilang chief legislator; Earl Guevara, CATCH2T25, bilang minority floor leader; at Elynore Orajay, FAST2021, bilang majority floor leader, Enero 10.Nanomina sa posisyon ng chief legislator sina Cruz at Sai Kabiling, CATCH2T26, na parehong nanilbihan bilang dating College Legislative Board (CLB) chairperson […]
Damhin ang diwa ng Pasko: Animo Christmas! 2023, nagbigay-liwanag sa Pamantasan
MALIGAYANG SINALUBONG ng pamayanang Lasalyano ang diwa ng Pasko sa Animo Christmas! 2023 na may temang “Pagmamahalan, Handog sa Kapaskuhan,” na ginanap sa Henry Sy Sr. Hall Grounds mula ika-4 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi, Disyembre 1. Parte ng programa ang pagdaraos ng Banal na Eukaristiya, pagpapailaw ng Christmas tree, pagsasagawa ng mga pagtatanghal […]
COD Basic Policies Act, Student Grievance Redress Act, at College Legislation Guidelines, pinagtibay sa huling sesyon ng LA
INAPRUBAHAN sa ika-16 na regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang Commission for Officer Development (COD) sa Basic Policies Act, College Legislation Guidelines, at Student Grievance Redress Act na nagtatalaga ng mga panibagong mandato para sa mga opisyal ng University Student Government (USG), Nobyembre 29. Bagong simula para sa COD Isinaayos ni Chief Legislator […]
Pagpupugay sa haligi ng Pamantasan: Gawad Midya, muling nagbalik matapos ang apat na taong pagkaantala
BINIGYANG-PARANGAL ang kahusayan at dedikasyon ng mga estudyanteng mamamahayag mula sa anim na Student Media Group (SMG) na binubuo ng Ang Pahayagang Plaridel (APP), The Lasallian (TLS), Archers Network (ARCH), Green Giant FM (GGFM), Malate Literary Folio (MLF), at Green & White (G&W) sa idinaos na Gawad Midya 2020-2023, Nobyembre 25. Pinangunahan ng Student Media […]