Bagong OEC, bigong maipasa sa ika-12 regular na sesyon ng LA; DLSU CHR at Transparency Policy, itinaguyod
NAANTALA ang pag-enmiyenda sa Omnibus Election Code (OEC) dulot ng kakulangan sa oras na ipinagkaloob ng Legislative Assembly (LA) sa DLSU Commission on Elections (COMELEC) upang suriin ito sa ika-12 regular na sesyon, Setyembre 20. Gayunpaman, susunod pa rin ang Special Elections (SE) 2023 sa inilabas na kalendaryo ng COMELEC nitong Setyembre 19. Ikinasa rin […]
USG President Brotonel, ibinida ang mga naisakatuparang proyekto sa State of Student Governance
MASAYANG IBINAHAGI ni University Student Government (USG) President Alex Brotonel sa inilunsad na kauna-unahang State of Student Governance ngayong A.Y. 2023-2024 ang mga naisakatuparang programa at nakabinbing proyekto ng kanilang opisina, Setyembre 13 sa Amphitheater. Matatandaang pinalawig ang panunungkulan ng kasalukuyang USG kaugnay ng pagkansela sa General Elections 2023. Pagtaguyod sa mga proyektong ipinangako ng […]
Makulay na paghahanda, ipinadama sa mga ID123
PINANGUNAHAN ng Lasallian Ambassadors at Council of Student Organizations (CSO) ang mainit na pagtanggap sa mga estudyanteng ID 123 sa isinagawang Lasallian Personal Effectiveness Program (LPEP) na may temang “Animo Flight: Ascend with Animo,” Agosto 22 hanggang 25 sa Pamantasang De La Salle. Layon nitong tulungan ang mga bagong estudyante sa kanilang transisyon tungo sa […]
Mga plano ng COMELEC para sa SE 2023, ibinida sa ikasampung regular na sesyon ng LA
ITINAMPOK sa ikasampung regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang mga plano ng Commission on Elections (COMELEC) para sa pagsasakatuparan ng Special Elections (SE) 2023 sa unang termino ng akademikong taon 2023–2024, Agosto 16. Muli namang inenmiyendahan sa sesyon ang Incumbency Extension Guidelines ng mga mananatiling opisyal ng University Student Government (USG). Itinatag din […]
Pagbibitiw sa puwesto nina VPIA Janine Siy at Executive Secretary Marco San Juan, binigyang-bisa sa ikasiyam na regular na sesyon ng LA
NILISAN nina Vice President for Internal Affairs Janine Siy at Executive Secretary Marco San Juan ang kanilang mga puwesto sa ikasiyam na regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA), Agosto 2. Tinutukan din sa sesyon ang Temporary Resignation Guidelines para sa mas mabisang sistema ng pagbibitiw, mga paghahanda para sa Special Elections (SE) 2023, at […]