Puhon: Sulyap ng Sinag, binigyang-tinig ng De La Salle Innersoul bilang paggunita sa kanilang ika-26 na anibersaryo
NAGBIGAY-LIWANAG sa dilim ang pagtatanghal ng De La Salle Innersoul (DLS-Innersoul) para sa kanilang ika-26 na anibersaryong pinamagatang “Puhon: Sulyap ng Sinag,” sa direksiyon ni Vincent Mallari na isinagawa sa Teresa Yuchengco Auditorium, Hulyo 21. Sinariwa ng naturang konsiyerto ang naging karanasan ng mga miyembro ng DLS-Innersoul at isinalaysay ang tapiserya ng tagumpay sa mga […]
Alab ng Animusika, nagbigay-init sa Pamantasang De La Salle
MAINIT NA NAKILAHOK ang pamayanang Lasalyano sa Animusika 2023 upang bigyang-buhay ang pagtatapos ng mahigit dalawang linggong selebrasyon ng taunang University Vision-Mission Week (UnivWeek), sa Corazon Aquino Democratic Space, Hunyo 30. Naging matagumpay ang kasiyahan at tugtugan sa Pamantasan sa pangunguna ng UnivWeek Central Comittee at Office of the Vice President for Lasallian Mission. Inihandog […]
Pagsuporta ng mga Lasalyano sa Laguna Campus sa iba’t ibang adbokasiya, ipinadama sa advocacy color run
NIYAKAP ng pamayanang Lasalyano ang iba’t ibang adbokasiya sa isinagawang YAKAP: Kislap ng Pagbabago Advocacy Color Run sa Pamantasang De La Salle-Laguna, Hunyo 24, mula ika-5 hanggang ika-8 ng umaga. Sinimulan ang aktibidad sa isang programa sa harap ng Milagros R. del Rosario Main Stairs. Layon ng aktibidad na himukin ang mga Lasalyanong maging mitsa […]
Abi-Abi: Pagyapos sa kulturang malaya, itinampok ng La Salle Dance Company – Folk
IPINAGDIWANG ng La Salle Dance Company – Folk (LSDC-Folk) ang kanilang ika-11 anibersaryo sa isang pagtatanghal sa Teresa Yuchengco Auditorium bitbit ang temang Abi-Abi, Hulyo 8, mula ika-2:30 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi. Kasama rin nila ang Filipiniana Rondalla at UP Filipiniana Dance Group sa kanilang pagdiriwang upang ihandog ang kabigha-bighaning yaman ng kulturang […]
Pagbabalik ng taunang kasiyahan: University Vision-Mission Week sa Pamantasang De La Salle, muling ipinagdiwang
IPINAGDIWANG ng Pamantasang De La Salle (DLSU) ang taunang selebrasyon ng University Vision-Mission Week (UnivWeek) na may temang “Kislap: Liwanag ng Bukang Liwayway,” Hunyo 16 hanggang 30. Layon nitong ipagdiwang ang ika-112 taon ng pagkakatatag ng Pamantasan at itampok ang ika-50 anibersaryo ng pagtanggap ng mga kababaihan bilang mga estudyante ng DLSU. Nagbigay-kasiyahan ang iba’t […]