Kargo: Pakikipagsapalaran ng isang ina sa tadhana
Mapaglaro ang tadhana—binabaybay tayo nito sa mga sitwasyong hindi natin inaasahang darating. Minsan, pumapabor ito sa atin dahil may hatid itong oportunidad na hindi natin inakalang posible, ngunit sa isang iglap, kaya rin nitong bawiin lahat ng bagay na malapit sa ating puso. Marahil nananaig ang pagnanasa ng ilan na baguhin ang kanilang kapalaran, mas […]
Pag-asang hatid sa nakasilong sa bahaghari: Kuwento ng isang LGBTQIA+ student leader na handang maging binhi ng pagbabago
Tila pagkakagapos sa tanikala ang pagkuwestiyon sa kakayahan ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, at Asexual (LGBTQIA+) community na maging isang lider. Kapansin-pansin ito sa mga nakalipas na panahong bihira silang tinatanggap ng lipunan, lalo na ng mga nagpapahayag na relihiyoso, dahil sa hindi kinukunsinting sekswalidad at sinasabing mahalay na imahen […]
Katumbas na halaga ng bahaghari: Komodipikasyong kapalit ng representasyon sa LGBTQIA+ community
Masasaksihan ang paglabas ng bahaghari matapos ang isang matinding ulan, tila isa itong pahiwatig na may kariktan pa ring naghihintay sa dulo ng unos. Makulay ito at mahiwaga–binibigyan nito ng bagong buhay ang kalangitang minsang binalot ng kadiliman. Tulad ng bahaghari, masisilayan din ang iba’t ibang kulay sa buhay ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, […]
Hindi kami payaso, tao kami: Pagkataong sinakmal ng mapanghusgang lipunan
Pagpasok sa pintuan ng mga comedy bar at nightclub, agarang maririnig at masisilayan ang biruan, tuksuhan, at pagtatanghal ng mga drag queen at komedyanteng nagbibigay-aliw sa kanilang manonood. Sasabayan din ito ng mga halakhakang dala ng mga punch line na binibitawan ng mga nagbibirong indibidwal sa entablado. Subalit, sa likod ng mga hindi magkandamayaw na […]
Tinig ng Kabataan: Pangambang bitbit ng bagong administrasyon
Makabuluhan sa bawat estudyante ang pag-akyat sa isang entablado. Sa entabladong gawa sa kahoy umaakyat ang mga estudyante sa tuwing sinasabitan sila ng medalya at binibigyang-parangal sa kanilang pagtatapos ng pag-aaral. Dito rin madalas na pinaparangalan ang mga mag-aaral na nagtagumpay sa iba’t ibang larangan, katulad ng isports at pamamahayag. Umaakyat at nagsasalita rin dito […]