Green Tennisters, bigong pawiin ang siklab ng NU Men’s Tennis Team
NABITIN ang tangkang pagpapatahimik ng De La Salle University Green Tennisters laban sa mapanghimagsik na puwersa ng National University Men’s Lawn Tennis Team, 1–4, sa ikalawang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Men’s Tennis Tournament sa Rizal Memorial Tennis Center, Marso 22. Maagang nanlumo ang Taft-based squad nang sumalang si Yasaan […]
DLSU Green Batters, humagupit ng panalo kontra Adamson Baseball Team
IBINALANDRA ng De La Salle University (DLSU) Green Batters ang kanilang matibay na opensa kontra sa nangatal na Adamson University Baseball Team, 14–6, sa pagbabalik-aksiyon ng unang yugto ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Baseball Tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium kahapon, Marso 19. Maagang inilatag ni Taft mainstay Barry Oñas ang […]
Green Tennisters, napurnada ang pagtudla sa unang panalo
KINAPOS ang puwersa ng De La Salle University (DLSU) Green Tennisters sa nagpupumiglas na Adamson University Men’s Lawn Tennis Team, 2–3, sa ikalawang kabanata ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Men’s Tennis Tournament sa Rizal Memorial Tennis Center, Marso 19. Kumaripas ng maagang bentahe si veteran EJ Geluz para sa Berde at […]
DLSU Lady Batters, pinigilan ang pagsibad ng Ateneo Softball Team
INIHAWLA ng De La Salle University (DLSU) Lady Batters ang umaalagwang Ateneo de Manila University Softball Team, 9–1, sa kanilang muling paghaharap sa University Athletic Association of the Philippines Season 87 Softball Tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium, Marso 18. Pinasimulan ni Kapitana Cassandra Inot ang maagang run ng luntiang hanay at sinigurado naman ni […]
Green at Lady Tennisters, nakapirme sa dulo ng talaan
KUMALAS ang puwersa ng De La Salle University (DLSU) Green at Lady Tennisters matapos matimbog sa mga kamay ng University of the Philippines (UP) Men’s Lawn Tennis Team, 1–4, at National University (NU) Women’s Tennis Team, 0–5, sa pagpapatuloy ng ikalawang kabanata ng University Athletic Association of the Philippines Season 87 Collegiate Tennis Tournament sa […]