PBA D-League: EcoOil-DLSU Green Archers, tumiklop ang opensa kontra Apex Fuel-San Sebastian
NAGAPI ang opensa ng EcoOil-De La Salle University (DLSU) Green Archers kontra Apex Fuel-San Sebastian College Recoletos (SSC-R), 51-73, sa PBA D-League Aspirants’ Cup 2022, Hulyo 21, sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City. Napasakamay man ng Green Archers ang kanilang upset loss, sanib-puwersang nagpakitang-gilas ang tambalang Mike Phillips at Jcee Macalalag sa madla matapos humulma […]
Pagtudla sa alakdan: EcoOil-DLSU Green Archers, tinanggalan ng kamandag ang CEU Scorpions!
NAGTAGUMPAY ang EcoOil-De La Salle University (DLSU) Green Archers matapos magapi ang lason ng Centro Escolar University (CEU) Scorpions, 76-65, sa PBA D-League Aspirants Cup 2022, Hulyo 15, sa Ynares Center, Antipolo, Rizal. Umarangkada para sa Taft-based squad si CJ Austria tangan ang kaniyang 18 puntos, tatlong rebound, at apat na assist. Kaugnay nito, hindi […]
Viridis Arcus, matagumpay na papasok sa Semifinals ng Alliance Games 2022 Season 1 COD:M!
NILAMPASO ng De La Salle University (DLSU) Viridis Arcus (VA) ang Malayan Colleges Laguna (MCL) Malayan Warlords (MWL) sa larong Call of Duty: Mobile (COD:M), 3-0, sa unang linggo ng playoffs ng Alliance Games (AIIG) 2022 Season 1, Hunyo 26. Rumatsada agad sa pagbubukas ng unang laro ng hardpoint ang MWL matapos makagawa ng nagbabagang […]
Pusong kampeon: Viridis Arcus, waging uusad sa Semifinals ng Alliance Games 2022 Season 1 Valorant!
INASINTA ng De La Salle University (DLSU) Viridis Arcus (VA) ang kanilang archrival na Ateneo de Manila University (ADMU) Loyola Gaming Terra (LGT) sa larong Valorant, 2-1, sa unang round ng playoffs ng Alliance Games (AllG) 2022 Season 1: Valorant, Hunyo 25. Sa pagbubukas ng unang yugto ng Game 1, tila tug-of-war ang naging tema […]
Pagpundi ng pana: DLSU Lady Spikers, napasakamay ang pilak na medalya sa UAAP Finals!
GUMUHO muli ang mga tore ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers matapos yumuko sa National University (NU) Lady Bulldogs, 15-25, 15-25, 22-25, sa ikalawang araw ng Finals ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 Women’s Volleyball Tournament, Hunyo 21, sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City. Bumida para sa […]