USG VPEA Arvin Ajesta at Ombudsman Lunette Nuñez, nagbitiw sa puwesto sa ika-15 regular na sesyon ng LA
PINAGTIBAY ang mga inihaing pagbibitiw nina University Student Government (USG) Vice President for External Affairs (VPEA) Arvin Ajesta at Ombudsman Lunette Nuñez sa ika-15 regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA), Oktubre 25. Agaran namang inaprubahan sina Janna Teves bilang officer-in-charge ng VPEA at Leandro Villamor bilang acting Ombudsman. Pinasadahan din sa sesyon ang inisyal […]
Legislative Appropriations Act of 2023, itinatag sa ika-14 na regular na sesyon ng LA
ISINABATAS sa ika-14 na regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang Legislative Appropriations Act of 2023, Oktubre 11. Inilalatag nito ang mga panuntunan para sa appropriations fund ng mga yunit ng University Student Government (USG) at ang pagbubukas ng depository account ng lupon. Muling pinagtibay sa panukala ang layunin ng naipasawalang-bisang Appropriations Act of […]
Kahandaan ng mga Lasalyano sa darating na halalang pambarangay at SK, hinasa sa KAMALAYAN
PINAIGTING sa Kapihan ng Malalayang Lasalyano (KAMALAYAN) ang kabatiran at sigasig ng mga Lasalyano ukol sa papalapit na Oktubre 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ginanap sa Henry Sy Grounds, Setyembre 27. Ibinandera ng KAMALAYAN ang temang “Kuwentuhang Paghahanda at Pakikilahok sa Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections.” Nilalayon nitong bigyan ang Commission […]
Bagong bersyon ng OEC, naipasa na sa ika-13 regular sesyon ng LA
INAPRUBAHAN NA ang panukalang-batas na naglalayong amyendahan ang Omnibus Election Code (OEC) sa ika-13 regular na sesyon ng Legislative Assembly (LA), Setyembre 27. Nilagdaan ito ng Commision on Elections (COMELEC) matapos mapagkasunduan ng lupon ang masusing pagrerebisa at paglilimbag ng panibagong code, pagpapasya ng katagalan bago ito maaaring muling susugin, at pagdaragdag ng mga tuntunin […]
Pagmulat sa bangungot ng nakaraan: Kilos-protesta, ikinasa sa DLSU bilang paggunita sa ika-51 na anibersaryo ng Batas Militar
“Marcos panagutin, karapatan ilaban pa rin!” MATAPANG NA NANINDIGAN ang pamayanang Lasalyano sa ikinasang kilos-protesta na naglalayong sariwain ang madugong kasaysayan ng Batas Militar sa Pilipinas, Setyembre 21. Umikot ang protesta sa Bro. Connon Hall, Yuchengco Hall, Central Plaza, St. Joseph Walk, Henry Sy Sr. Hall Grounds, Cory Aquino Democratic Space, at Velasco Hall. Pinangunahan […]