Plataporma tungo sa pagbabago, inilatag ng mga kandidato sa Miting De Avance ng General Elections 2021
IBINIDA ng mga kandidato mula sa Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat) at Santugon sa Tawag ng Panahon (Santugon) ang kani-kanilang mga plataporma sa idinaos na Miting De Avance ng General Elections 2021, sa Facebook live ng Archers Network, Setyembre 3. Binigyan ng apat na minuto ang mga kandidatong tumatakbo bilang college president para mailahad ang […]
Tapat at Santugon, nagtagisan sa Debate ng General Elections 2021
TUMINDIG ang ilang kandidato ng Alyansang Tapat sa Lasallista (Tapat) at Santugon sa Tawag ng Panahon (Santugon) hinggil sa mga isyu sa loob at labas ng Pamantasan, sa General Elections (GE) 2021 Debate na pinangunahan ng De La Salle University Commission on Elections (DLSU COMELEC), Setyembre 3. Pagtaguyod ng ligtas na espasyo Nagharap sa unang […]
Pagtataguyod ng institusyonalisasyon ng Student Census, ikinasa sa sesyon ng LA
PINANGASIWAAN sa sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang mga resolusyon ukol sa pagtataguyod ng institusyonalisasyon ng Student Census at pagsasaayos sa alokasyon ng University Student Government (USG) operational funds para sa Lasallian Student Welfare Program (LSWP), Setyembre 3. Tinalakay rin sa pagpupulong ang pagpapatupad ng oras ng opisina para sa mga opisyal ng USG. Pagpapatupad […]
Inihahandog ng DLSU ENGLICOM ang Transcend: Engage Amidst the Digital Age!
Handa ka na ba para sa digital age? Inihahandog ng isa sa pinakamalaking organisasyon ng De La Salle University, ENGLICOM, ang: “Transcend: Engage Amidst The Digital Age.” Dadaluhan ng tatlong propesyonal na matagumpay sa kani-kanilang industriya, katulad ng Arts, Business at Science & Technology, ang pagdiriwang na ito. Layunin ng Transcend na maipakita ang kahalagahan […]
Pagbabago sa sistema ng General Elections 2021, binigyang-linaw ng DLSU COMELEC
PANGUNGUNAHAN MULI ng De La Salle University Commission on Elections (DLSU COMELEC) ang Automated General Elections (GE) 2021 ngayong akademikong taon upang makapaghalal ng mga bagong pinuno ng University Student Government (USG). Ito ang ikalawang beses na magsasagawa ng online elections ang COMELEC matapos maitaguyod ang Automated Make-up Elections (ME) noong Enero. Paghahanda sa GE […]