Plataporma, prinsipyo, paninindigan: Lacson, Moreno, Pacquiao, at Robredo, kinilatis sa The Jessica Soho Presidential Interviews
SUMALANG sa isang mainit na panayam sa programang pinamagatang “The Jessica Soho Presidential Interviews” ang apat sa limang nangungunang kandidato sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, Enero 22. Bagamat nabigyan ng pagkakataon sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Pangalawang Pangulo Leni Robredo, Senador Ping Lacson, Manila City Mayor Isko Moreno, at Senador Manny Pacquiao […]
Tinig ng pangangalampag: Panawagan ng mga mag-aaral, binigyang-boses sa Konsultahan Kabataan Press Conference
PATULOY NA NANGANGALAMPAG ang Kabataan Partylist para sa pagtaguyod ng kagyat na panawagan ng mga estudyante ngayong panahon ng krisis pangkalusugan at edukasyon sa isinagawang online press conference, Enero 17. Kasama ang iba’t ibang kinatawan mula sa ilang pamantasan sa bansa, ipinarating ng Kabataan Partylist ang mga resolusyong inihain ng partido sa Kongreso para sa […]
Isang kahig, isang tuka: Lubid na nakabigkis sa pamumuhay ng mga manggagawa, patuloy na humihigpit
Lubhang pinalala ng pandemyang COVID-19 ang kalagayan ng sektor ng manggagawa dulot ng banta at restriksyong kaakibat nito. Bagamat inaasahang kaligtasan at kapakanan ang pangunahing paiigtingin ng gobyerno, nawaglit na kabuhayan at buhay na walang kasiguraduhan ang bumabandera sa hanay ng mga manggagawang sinusubok ng krisis pangkalusugan at kabuhayang nalugmok sa kahirapan. Kasalukuyang nakasalalay sa […]
Lumalabong linya ng politika at entertainment: Paghahari ng mga sikat na personalidad sa mundo ng politika
KALIWA’T KANAN ang umuugong na mga diskusyon at usaping pampolitika sa patuloy na paglapit ng pagharap ng bansa sa susunod na demokratikong halalan. Nakatuon ang mata ng bawat mamamayang Pilipino sa mga kandidatong posibleng magbibigay-laya sa lipunang halos anim na taong pinamunuan ng karahasan at kawalang-pananagutan. Sa kasalukuyan, maraming mga kandidato ang nagsimulang ipakilala ang […]
Angking galing ng mga Pilipino sa larangan ng kalusugan at medisina, ipinamalas sa pangunguna ng Atom Pinoy
ITINAMPOK ng mga siyentipikong Pilipino, sa loob at labas ng bansa, ang kanilang mga inobasyon at mga naging karanasan sa larangan ng kalusugan at medisina, sa inilunsad na webinar na pinamagatang “Heartbeats and Hopes: Public Health Innovations” ng Atom Pinoy, Disyembre 11. Binigyang-inspirasyon ng mga dumalong tagapagsalita ang mga estudyante mula sekondarya hanggang tersyarya ukol […]