Teka Lang Wait: Pagkaipit sa masikip na espasyo ng buhay
Mapanlinlang ang mundong ating ginagalawan. Noong hindi pa tayo namulat sa realidad, tila laro lamang ang lahat; laro lamang ang mga problemang pinagdadaanan na sa bandang huli, mapagtatagumpayan din naman. Ngunit, hindi sa lahat ng panahon, ganito ang inuukit ng tadhana. Sabay-sabay nating tuklasin ang hamon ng pagkabuhay sa Teka Lang Wait: Katok Ka Muna, […]
Lights, Camera, Action: Pagpapatuloy sa deka-dekadang pag-arte
Hihinga muna nang malalim, bago pumikit habang pilit na inaalala ang daan-daang diyalogong pinagpuyatang isaulo. May kaunti pa ring kaba sa dibdib kahit pa matagal na sa industriya, sapagkat kaakibat ng pag-arte ang mahalagang tungkulin na aliwin ang masa. Hindi rin bibigyang-pansin ang lakas ng ulan o ang init ng araw; sa pagsigaw ni direk […]
Awit ng klasikal na tunog sa kasalukuyang alindog
Handog ng musika sa bawat taingang masigasig ang pakay na maibahagi ang nakahuhumaling na himig na mag-uudyok sa muling pagsibol ng mga damdaming nakabaon sa mga tagapakinig. Sa paglipas ng mga henerasyon, kasabay ng pagbago ng kultura’t lipunan ang ebolusyon sa paraan ng pagsulat ng musika at pag-awit. Kung susuriin ang mga tradisyonal na pagtuturo […]
Pagbatid sa likhang-sining sa bangketa: Baguhang pintor na tangan ang brotsa ng pag-asa
Tumatagaktak ang pawis, nanunuyo ang mga labi, at unti-unting nasusunog ang balat ng mga nagsusumikap na makabenta ng likhang-sining sa may Plaza Rajah Sulayman. Karaniwang isinasawalang-bahala lamang sila ng mga dumadaang tao—tila isang mumunting detalye sa ipinintang tanawin. Siguro nga, bihirang masusulyapan ang mga pintor na suot ang kanilang namantsahang damit at namamaluktot na postura, […]
Pagsabay sa panahon sa ngalan ng pagbabalik-tanaw: Hiwagang dala ng Glorious Dias sa mundo ng fashion
Patulin nang patulin ang takbo ng industriya ng fashion—para bang hinahabi ng maliliksi’t kagilas-gilas na kamay ng isang mananahi ang paggalaw nito. Ipinapasok mo pa lamang ang sinulid sa karayom, umaarangkada na sa pagtatahi ang malalaking pangalan sa industriya—mistulang dinidikta ang kapalaran ng mga susunod na piyesang ihahain mo sa madla. Samu’t sari man ang […]