Awit ng klasikal na tunog sa kasalukuyang alindog
Handog ng musika sa bawat taingang masigasig ang pakay na maibahagi ang nakahuhumaling na himig na mag-uudyok sa muling pagsibol ng mga damdaming nakabaon sa mga tagapakinig. Sa paglipas ng mga henerasyon, kasabay ng pagbago ng kultura’t lipunan ang ebolusyon sa paraan ng pagsulat ng musika at pag-awit. Kung susuriin ang mga tradisyonal na pagtuturo […]
Pagbatid sa likhang-sining sa bangketa: Baguhang pintor na tangan ang brotsa ng pag-asa
Tumatagaktak ang pawis, nanunuyo ang mga labi, at unti-unting nasusunog ang balat ng mga nagsusumikap na makabenta ng likhang-sining sa may Plaza Rajah Sulayman. Karaniwang isinasawalang-bahala lamang sila ng mga dumadaang tao—tila isang mumunting detalye sa ipinintang tanawin. Siguro nga, bihirang masusulyapan ang mga pintor na suot ang kanilang namantsahang damit at namamaluktot na postura, […]
Pagsabay sa panahon sa ngalan ng pagbabalik-tanaw: Hiwagang dala ng Glorious Dias sa mundo ng fashion
Patulin nang patulin ang takbo ng industriya ng fashion—para bang hinahabi ng maliliksi’t kagilas-gilas na kamay ng isang mananahi ang paggalaw nito. Ipinapasok mo pa lamang ang sinulid sa karayom, umaarangkada na sa pagtatahi ang malalaking pangalan sa industriya—mistulang dinidikta ang kapalaran ng mga susunod na piyesang ihahain mo sa madla. Samu’t sari man ang […]
Tintang nagpapanday sa kinabukasan: Lakas ng tumitindig na manunulat
“Anong mapapala mo diyan? Ang liit lang ng sweldo diyan! Hindi ka yayaman diyan.” Ilan lamang ito sa mga karaniwang naririnig mula sa mga taong hindi makita ang halaga ng pagsusulat. Nakapanlulumo man ngunit ito ang realidad sa pagtingin ng lipunan tungkol sa larangan ng pagsusulat. Gayunpaman, hindi naging hadlang ito para sa mga manunulat […]
[POV] Para sa rosas na bayan: Mensahe mula sa kabataan
Ramdam sa balat ang init na umaalingasaw mula sa araw na mataas na nakasikat. Tila nanunuyo ang mga lalamunan sapagkat unti-unti nang nauubos ang laway sa pagsigaw at pakikipag-usap habang bitbit ang mga salita ng pag-asa. Nakararamdam na ng pangangalay sapagkat ilang oras nang naglalakad at nakatayo—bitbit sa mga talampakan ng bawat taong dumalo at […]