PiliPinas Debates 2022: Matapang na pagtugon ng mga kandidato para sa hamon ng pangkapangulo
INUSISA muli ang mga plano at plataporma ng mga kandidato para sa pagkapangulo sa ikalawang yugto ng PiliPinas Debates 2022: Turning Point sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC), Abril 3. Sa debateng ito, ipinagpatuloy ang maiinit na balitaktakan at matinding sagutan hinggil sa pandaigdigang ugnayan, usaping seguridad, at pananagutan ng pamahalaan. knilunsad ng COMELEC […]
Sigaw ng nagkakaisang tinig: #NoToTuitionFeeIncrease, panawagan ng ABVC, LS4HRD, at KPL-DLSU
DALA ang panawagan para sa isang abot-kayang edukasyon, tumindig ang mga kabataang Lasalyano laban sa planong 3% dagdag sa matrikula sa Pamantasang De La Salle. Pinangunahan nina Tilda Oreta ng Kabataan Partylist (KPL)-DLSU at Shennellyn Pineda ng La Salle Students for Human Rights and Democracy (LS4HRD) ang protesta, kasama ang ilang kabataan mula sa Anakbayan […]
Balitaktakan para sa bayan: Talakayan sa kalagayan ng Pilipinas, inihandog ng BANGON
PINANGUNAHAN ng organisasyon ng BANGON ang pagsisiwalat sa kasalukuyang estado ng Pilipinas, sa paglunsad ng dalawang araw na talakayan na pinamagatang “MULAT 2: Pahimakas sa Hirap ng Nakaraan, Pagyakap sa Dalang Ginhawa ng Kinabukasan,” Marso 5 at 12. Taong 2020 nang unang isagawa ng organisasyon ang MULAT upang pagtuunan ng pansin ang nagsisimulang pandemya ng […]
The Rundown 2022: Pagsipat sa prinsipyo at kakayahan ng mga kandidato para sa Pambansang Halalan
MAS NAITAGUYOD ang karapatan, kakayahan, at kahalagahan ng mga kabataan sa nalalapit na Pambansang Halalan sa The Rundown 2022 na umikot sa temang “Youth at the Forefront of Change: Transforming Conversations into Collective Action,” Marso 12. Nahati ang programa sa apat na bahagi: pambungad na pahayag, pagtugon: panel discussion, yes or no, at pagtindig. Una […]
Tindig ng kabataan: #SafelyOpenSchoolsNow, kolektibong panawagan ng NUSP para sa ligtas na balik eskwela
HINIMOK ng mga mag-aaral at mga kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon ang gobyerno na magkaroon ng konkreto at komprehensibong plano sa pagpapatupad ng ligtas na balik eskwela, sa talakayang pinangunahan ng National Union of Students of the Philippines (NUSP), Marso 12. Sa pag-apruba ng Inter-Agency Task Force sa full capacity face-to-face classes sa lahat […]