Sigalot sa Silangang Europa: Pagsisiwalat sa hidwaang Ukraine at Russia, pinangunahan ng The Alphan Forum
BINIGYANG-TUON sa The Alphan Forum, isang serye ng mga talakayan ukol sa napapanahong isyu at balita, na pinangunahan ng UP Alpha Phi Beta Fraternity, ang iba’t ibang aspektong pumapaloob sa lumalalang sagupaan ng Ukraine at Russia, at ang epekto nito sa pandaigdigang ugnayan, Marso 7. Tinipon ng kanilang kapatiran ang ilan sa mga tanyag na […]
Sigaw ng Cavite: Matapang na pagtindig para sa gobyernong tapat, ipinakita sa Grand Caviteño People’s Rally
PINATUNAYAN ng mga Kabitenyo na kaagapay sila nina Bise Presidente at kandidato para sa pagkapangulo Leni Robredo, kandidato para sa pagka-bise presidente Kiko Pangilinan, at ang kanilang mga kapartido sa laban para sa malinis at tapat na pamamahala sa campaign rally na ginanap sa General Trias Sports Park, General Trias, Cavite, Marso 4. Tinatayang mahigit […]
CNN Philippines’ The Filipino Votes Presidential Debates: Pagharap ng mga kandidato sa tanong ng masang Pilipino
INILATAG ng mga kandidatong lumahok ang kanilang plataporma at posisyon sa maiinit na isyu sa bansa sa ginanap na CNN Philippines: The Filipino Votes Presidential Debates, Pebrero 27. Mula sa sampung kandidato para sa pagkapangulo, siyam lamang ang nakadalo matapos tumangging lumahok si Ferdinand “Bongbong” Marcos. Hindi nakadalo si Marcos Jr. dahil umano sa mahigpit […]
Kalaban ng bayan si Juan: Pagbabalik-tanaw sa isang taong pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law
Higit sa kawalan ng katiyakan sa gitna ng pandemya ang nagpalala sa takot ng mga Pilipino sapagkat naging malaking banta rin sa kanilang karapatang pantao ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020 (Terror Law). Bunsod ng samu’t saring ingay at protesta sa lansangan at social media, mariin ang naging pagsipat […]
Pagpiglas sa mapangmatang lipunan: Paninindigan ng DLSMHSI SHSSHS sa magkakaibang kulay ng kasarian
HINIMOK ng mga mag-aaral ng De La Salle Medical and Health Science Institute Special Health Sciences Senior High School (DLSMHSI SHSSHS) sa pamamagitan ng isang online film festival na “Limitless: The Future is Fluid,” ang lipunan na wakasan ang diskriminasyon batay sa pagkakakilanlang kasarian, sa isinagawang programa na pinamagatang “Beyond Gender: Coloring Between the Lines […]