Panibagong hiyas ng mga pambato: Pagsulyap sa umuusbong na karera ni Mark Nonoy
DETERMINADO AT MATATAG—pinagtitibay ng mga estudyanteng atleta ang kanilang kaalaman at talento tuwing binabalanse ang mga gawain sa eskuwelahan at pag-eensayo habang kinahaharap ang banta ng pandemya. Isa si Mark Nonoy sa mga estudyanteng atleta na patuloy na nagsusumikap upang makamit ang pangarap na masungkit ang kampeonato sa mga sinasalihang torneo. Maliban sa angking husay […]
#WeAtTop: Mga pambatong koponan ng Pilipinas na BLCK at Onic PH, nanaig sa M3 World Championship!
NANGIBABAW ang Pilipinas sa larangan ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) matapos pagharian ang M3 World Championship nitong Disyembre 6 hanggang 19 sa Suntec Singapore International Convention. Bitbit ang hangaring magtagumpay para sa bansa, nag-untugan sa kampeonato ang Blacklist International (BLCK) at Onic Philippines. Naiuwi naman ng BLCK ang tropeo matapos lampasuhin ang ONIC, 4-0, […]
Paglarga patungong taluktok: BLCK, namukod-tangi kasama ang Onic PH sa MLBB M3 World Championship!
PINATUNAYAN ng Blacklist International (BLCK) na ang Pilipinas ang pinakamalakas sa buong mundo pagdating sa Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) matapos kalusin ang puwersa ng BloodThirstyKings (BTK), 3-1, para sa huling puwesto ng grand finals ng MLBB M3 World Championship kagabi, Disyembre 18, sa Suntec Singapore International Convention. Bumulusok ang BTK sa pagsisimula ng unang […]
Proseso bago resulta: Kapangyarihang taglay ng mga support champion sa entablado ng MOBA, siniyasat
PABIGAT, PABUHAT, AT WALANG AMBAG—ganito kalimitang inilalarawan ng ibang manlalaro ng Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) ang papel na ginagampanan ng mga gamer na support. Iisang laban man ang sinasalihan ng bawat koponan, hindi maikakaila na higit na mataas ang pagkilala na natatangap ng mga manlalarong laging laman ng mga game highlight sa iba’t ibang […]
Pagsungaw ng puwersa: Pagsariwa sa makasaysayang karera ni Elreen Ando sa weightlifting
PINAIGTING na katatagan at determinasyon ang ibinida ni Elreen Ando sa kaniyang yumayabong na karera sa mundo ng weightlifting matapos makapag-uwi ng iba’t ibang parangal sa mga sinalihang torneo. Napasakamay ni Ando ang pilak na medalya sa women’s 64 kg division sa 2019 Southeast Asian Games noong Disyembre. Sunod naman niyang naiuwi ang tatlong medalya […]