May dress code pa ba?: Pagbabago sa panuntunan ng pananamit sa DLSU, binigyang-linaw

May dress code pa ba?: Pagbabago sa panuntunan ng pananamit sa DLSU, binigyang-linaw

IPINAWALANG-BISA NA ang dress code sa Pamantasang De La Salle kasabay ng pagsasagawa ng mga hybrid na klase ngayong unang termino ng akademikong taong 2022-2023. Pinamunuan ni Dr. Leni Garcia ang binuong sub-committee ng Student Handbook Revisions Committee (SHRC) para sa mga pagbabago sa polisiya sa pananamit. Matatandaang itinaas ng University Student Government sa SHRC […]
Pagsasagawa ng face-to-face na aktibidad sa Pamantasang De La Salle, patuloy na isinasaayos

Pagsasagawa ng face-to-face na aktibidad sa Pamantasang De La Salle, patuloy na isinasaayos

PATULOY NA IKINAKASA ng administrasyon ng Pamantasang De La Salle ang mga karagdagang paghahanda para sa nalalapit na pagpapatupad ng mas pinalawak na pagsasagawa ng face-to-face na klase at aktibidad sa susunod na termino.  Kaugnay nito, kinapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) sina Dr. Christine Ballada, dekana ng Student Affairs (OSA), at Christopher Villanueva, direktor […]
Mga senyor na punong patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel, nagpakitang-gilas sa 31st EJAP-Ayala Business Journalism Awards

Mga senyor na punong patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel, nagpakitang-gilas sa 31st EJAP-Ayala Business Journalism Awards

PINARANGALAN ang mga senyor na punong patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) na sina Tyrone Jasper Piad at Elijah Felice Rosales sa ika-31 Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP)-Ayala Business Journalism Awards na may temang “Undaunted: Facing the Challenges of the New Normal,” Nobyembre 11 sa ganap na ika-6 ng gabi. Layon nitong kilalanin […]
Bituing nagniningning: Animo Christmas! 2022, muling binuhay ang diwa ng Pasko sa Pamantasan

Bituing nagniningning: Animo Christmas! 2022, muling binuhay ang diwa ng Pasko sa Pamantasan

NAGBIGAY-LIWANAG ang Animo Christmas! 2022 na mayroong temang “Mabuhay Ka, Hesus!” sa Pamantasang De La Salle (DLSU), Disyembre 2 sa Henry Sy Sr. Hall Grounds mula  ika-4 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi. Kinabilangan ito ng pagpapailaw ng Christmas Tree, pagsasagawa ng Banal na Misa, pagsasagawa ng lights and sound show, at mga pagtatanghal. Pagdiriwang ng Paskong Lasalyano Pinailaw ang Animo […]
Pinapusyaw ng pandemya: Animo Christmas Tree, pinakislap muli sa Laguna Campus

Pinapusyaw ng pandemya: Animo Christmas Tree, pinakislap muli sa Laguna Campus

Kai ReyesDec 5, 2022
NAGLIWANAG muli ang christmas tree ng Pamantasang De La Salle (DLSU) sa kampus ng Laguna sa pagdaraos ng Anaya: Animo Christmas 2022 na may temang “Mabuhay Ka, Hesus,” Disyembre 2 sa Milagros R. del Rosario Building (MRR). Inorganisa ang unang pisikal na selebrasyon ng nasabing aktibidad ng College of Student Affairs at Lasallian Mission Office […]