Pagbibigay-gabay sa mga Lasalyano: Gampanin ng OCCS sa Pamantasan, tinalakay
NANANATILING AKTIBO ang Office of Counseling and Career Services (OCCS) sa paglulunsad ng mga inisyatiba at proyekto upang mapanatili ang kaayusan sa kalagayang-kaisipan at karera ng mga estudyanteng Lasalyano sa Pamantasan. Sa isinagawang panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP), ibinahagi ni University Counselor Bon Homme Richard Torres ang mga serbisyong inihahandog ng OCCS sa pamayanang […]
May dress code pa ba?: Pagbabago sa panuntunan ng pananamit sa DLSU, binigyang-linaw
IPINAWALANG-BISA NA ang dress code sa Pamantasang De La Salle kasabay ng pagsasagawa ng mga hybrid na klase ngayong unang termino ng akademikong taong 2022-2023. Pinamunuan ni Dr. Leni Garcia ang binuong sub-committee ng Student Handbook Revisions Committee (SHRC) para sa mga pagbabago sa polisiya sa pananamit. Matatandaang itinaas ng University Student Government sa SHRC […]
Pagsasagawa ng face-to-face na aktibidad sa Pamantasang De La Salle, patuloy na isinasaayos
PATULOY NA IKINAKASA ng administrasyon ng Pamantasang De La Salle ang mga karagdagang paghahanda para sa nalalapit na pagpapatupad ng mas pinalawak na pagsasagawa ng face-to-face na klase at aktibidad sa susunod na termino. Kaugnay nito, kinapanayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) sina Dr. Christine Ballada, dekana ng Student Affairs (OSA), at Christopher Villanueva, direktor […]
Mga senyor na punong patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel, nagpakitang-gilas sa 31st EJAP-Ayala Business Journalism Awards
PINARANGALAN ang mga senyor na punong patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) na sina Tyrone Jasper Piad at Elijah Felice Rosales sa ika-31 Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP)-Ayala Business Journalism Awards na may temang “Undaunted: Facing the Challenges of the New Normal,” Nobyembre 11 sa ganap na ika-6 ng gabi. Layon nitong kilalanin […]
Bituing nagniningning: Animo Christmas! 2022, muling binuhay ang diwa ng Pasko sa Pamantasan
NAGBIGAY-LIWANAG ang Animo Christmas! 2022 na mayroong temang “Mabuhay Ka, Hesus!” sa Pamantasang De La Salle (DLSU), Disyembre 2 sa Henry Sy Sr. Hall Grounds mula ika-4 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi. Kinabilangan ito ng pagpapailaw ng Christmas Tree, pagsasagawa ng Banal na Misa, pagsasagawa ng lights and sound show, at mga pagtatanghal. Pagdiriwang ng Paskong Lasalyano Pinailaw ang Animo […]