Gabay para sa board exam, binigyang-tuon sa LevelENG Up

Gabay para sa board exam, binigyang-tuon sa LevelENG Up

TINALAKAY ng ilang board topnotcher ang kahalagahan ng paghahanda para sa board examination sa isinagawang LevelENG Up: A Board Topnotcher Webinar ng Society of Young Engineers Towards Achieving Excellence (SYNTAX), Abril 10. Layunin nitong makapaghatid ng payo sa mga estudyanteng kukuha ng board examination sa hinaharap. Hinati ang naturang webinar sa dalawang pagpupulong upang magkaroon […]
Pagbibigay-babala sa mga sensitibong paksa, binigyang-tuon sa sesyon ng LA

Pagbibigay-babala sa mga sensitibong paksa, binigyang-tuon sa sesyon ng LA

PINAIGTING ang pagbuo ng safe space sa Pamantasang De La Salle sa ikatlong espesyal na sesyon ng Legislative Assembly (LA) nang ipasa ang resolusyong naglalayong maglagay ng babala sa mga pahayag at inisyatiba ng University Student Government (USG) na tatalakay sa mga sensitibong paksa, Abril 8.  Ipinagpaliban naman ang pag-apruba sa karagdagang rekisito mula sa […]
Lasalyano sa larangan ng siyensya: Pagtatampok sa pananaliksik ukol sa misteryosong radio signals

Lasalyano sa larangan ng siyensya: Pagtatampok sa pananaliksik ukol sa misteryosong radio signals

BINIGYANG PAGKILALA ang pananaliksik ng ilang siyentipiko mula sa National Tsing Hua University (NTHU), kabilang na ang Lasalyanong alumnus na si Daryl Joe Santos, tungkol sa mga misteryosong radio signal mula sa malalayong kalawakan. Dating estudyante si Santos sa Pamantasang De La Salle at nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Physics with Specialization in […]
Alokasyon ng mahigit P397K na badyet sa USG, kasado na

Alokasyon ng mahigit P397K na badyet sa USG, kasado na

INAPRUBAHAN sa sesyon ng Legislative Assembly (LA) ang P397,687 na badyet ng University Student Government (USG) para sa akademikong taon 2020-2021, Marso 30. Mas mababa ito kompara sa P557,335 na badyet noong nakaraang akademikong taon. Matatandaang ipinagpaliban ang pag-apruba nito noong nakaraang sesyon dahil sa ilang pagsasaayos na pinangunahan ng Office of the Treasurer (OTREAS) […]
Pagluklok sa bagong Chief Magistrate ng USG Judiciary, pinagbotohan sa kaunaunahang joint session

Pagluklok sa bagong Chief Magistrate ng USG Judiciary, pinagbotohan sa kaunaunahang joint session

OPISYAL NANG HINIRANG si Jericho Jude Quiro bilang bagong Chief Magistrate ng University Student Government (USG) – Judiciary matapos makamit ang pagkapanalo sa botong 31-30 laban kay Andre Miranda. Tinalakay sa joint session ng Executive Committee, Legislative Assembly (LA), at Activities Assembly ng USG ang pagtatalaga ng bagong Chief Magistrate para sa kasalukuyang akademikong taon, […]